Tawagan kami para sa reservation
Isang masarap na paglalakbay ang naghihintay sa inyo sa aming "gourmet" menyu na nagtatampok ng mga orihinal na pagkaing Pinoy. Gumagamit si Lola ng mga de-kalidad na sangkap upang lumikha ng mga putaheng higit pa sa pagkain; ito ay mga karanasang hindi mo malilimutan.
Nagsimula bilang isang food kiosk sa Century City Mall basement na dinarayo at hinahanap hanap ang tanging lugaw ni lola.
Naging isang Cloud Kitchen ang Lugaw ni Lola na inihahatid sa bawat tahanan.
Binuksan namin ang bagong restawran kung saan ito nakatayo ngayon kasabay ng pagdagdag ng iba pang mga putahe maliban sa lugaw na may iba't ibang sahog.
Nagtatayo ng iba't ibang booth kung saan gustong anyayahan si Lola ng kanyang mga apo.
Lumaban ang Lugaw ni Lola sa hamon na dala ng panahon at kami ay nanatiling nakatutok sa pag-asang babalik muli ang sigla ng ekonomiya sa lalong madaling panahon. Apat ng taon ng lumalaban ang Lola at bagamat mas marami ang panahon ng paghihikahos, kami ay patuloy at pilit na bumabangon sa tuwing kami ay malulugmok. Hangad namin na ipagpatuloy ang paghimok sa aming mga sarili na huwag itigil ang nag aalab na damdamin sa puso ng kusina ng Lola. Hindi lamang namin layunin ang pagsamahin ang bawat miyembro ng pamilya at magkakaibigan sa bagong tahanan ng Lugaw ni Lola, ngunit ibig din namin na makapag handa ng masasarap na putahe at makapagbigay ng maayos na serbisyo na ikatutuwa ng bawat Juan. Sinusuportahan din ng Lugaw ni Lola ang mga empleyado sa pagbibigay ng mga benepisyo at parangal at pagkilala sa mahusay na pagsasagawa ng kanilang trabaho. Isa pang adhikain ang maayos na pakikisalamuha sa mga ito sa pamamagitan ng tamang komunikasyon. Patuloy ang Lugaw ni Lola sa pagpapabuti nang pagbibigay ng maayos at nakatutuwang serbisyo para sa mga kliyente nito. Patuloy din na aalagaan at gagabayan ang mga tagapagtustos at mga kasosyo sa negosyo. At hangad din naming na makapag ambag sa lipunan sa paraang makakabubuti dito.
Makapag bigay saya sa aming mga klyente sa pamamagitan ng paghain ng masasarap at mataas nak alidad na pagkain sa tamang halaga.
1. Pagbuo ng kultura kung saan laging nasa isip ang makabubuti para sa mga kliyente. 2. Ang pangangalaga ng Integridad sa pamamagitan ng pagkilos ng tama at tapat kahit na walang nakamasid. 3. Ang pagtanggap sa pagbabago at mga oportunidad na makatutulong sa pagbibigay ng tamang serbisyo.. 4. Ang pagbibigay respeto sa magkakaibang lahi at kultura sa pamamagitan ng tagumpay na hatid ng pagtulong at pagbibgay ng suporta sa bawat isa.